LEGAZPI CITY – Nagkaroon ng mass vaccination laban sa rabies sa mga residente sa Barangay Panganiran, Pio Duran, Albay.
Ito ay matapos na mamatay ang isang 7-anyos na bata sa naturang lugar ng makagat ng asong may rabies.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Veterinary Office head Dr. Pancho Mella, nagbigay ang lalawigan ng mga kinakailangan na bilang ng bakuna sa naturang barangay.
Nagsagawa na rin ng contact tracing matapos na mapag-alamang kinatay umano ang naturang aso at ginawang pulutan.
Ayon kay Mella, noong Disyembre ng nakaraang taon nakagat ang biktima subalit hindi naman pinabakunahan o ipinaalam sa barangay.
sa mass vaccination, nakatakda rin na magsawa ng stray dog elimination dahil posibleng may nahawaan na ibang aso.
Kaugnay nito, nagkaroon din ng orientation sa barangay upang turuan ang mga residente sa mga dapat gawin kung sakaling nakagat ng aso.