LEGAZPI CITY – Plano ng Schools Division Office ng Albay na bumuo ng sariling Sports Academy upang mas mapalakas pa ang suporta sa mga atleta na pambato ng lalawigan.
Ayon kay Froilan Tena ang tagapagsalita ng Schools Division Office ng Albay, inaayos na sa ngayon ng ahensya ang kailangang mga dokumento at nakikipag-usap sa mga stakeholders para sa pagsisimula ng proyekto.
Malaki umano ang maitutulong ng Sports Academy upang magkaroon ng sariling pasilidad ang mga atleta ng lalawigan na sumasabak sa mga kompetisyon kagaya ng Palarong Bicol, Palarong Pambansa at maging sa mga international competitions.
Ito rin ang magiging sentro ng sports training ng mga atleta dahil sa kukunin na matitibay na coaches na may mahabang karanasan sa ibat ibang klase ng sports.
Inaasahan na matatapos ang pagpapagawa ng Albay Sports Academy sa susunod na taon.