LEGAZPI CITY- Mahigpit na nakabantay ang mga kapulisan ng Sorsogon sa nagpapatuloy na halalan.
Ayon kay Sorsogon Police Provincial Office Spokesperson Police Major Arwin Destacamento sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nananatili naman na tahimik at mapayapa ang lalawigan.
Nabatid mula sa opisyal na wala namang natanggap na ulat ang mga himpilan hinggil sa mga lumabag sa liquor ban na ipinapatupad ng mga kinauukulan.
Sa kabila nito ay hindi aniya nagpapaka kampante ang mga otoridad at patuloy na naka bantay sa sitwasyon.
Hangad naman ni Destacamento na maging mapayapa ang halalan hanggang sa pagtatapos ng botohan.