Sorsogon world record attempt

LEGAZPI CITY- Kumpiyansa ang lalawigan ng Sorsogon na magtatagumpay sa kanilang attempt ngayong araw na masungkit ang Guinness World Records.

Simula kaninang umaga ay abala na ang mga kalahok sa pagluluto para sa pagnanais na masungkit ang World Record sa largest nut brittle.

Ayon kay Sorsogon Provincial Tourism Officer Bobby Gigantone sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na layunin ng naturang aktibidad na maipakilala ang pilinut sa world market.

Paliwanag ng opisyal na sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng investments at magagawang masuportahan ang mga lokal na magsasaka.

Kaugnay ng aktibidad ay buo naman ang naging suporta ng mga lokal na magsasaka upang magtagumpay sa kanilang attempt.

Sinabi ni Gigantone na kabilang sa mga requirements na titingnan ng Guinness adjudicator ay kung ligtas ang pagkain at ang paraan ng pagluluto nito.