Isa na namang atleta mula sa rehiyon Bicol ang makakapag-uwi ng gintong medalya sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2025.
Dinomina ni Rose Jane “RJ” Barcelona ang Women’s Long Jump event matapos makapagtala ng 5.37 meters para makamit ang panibagong ginto ng Bicol vulcans.
Si Barcelona ay isang student-athlete na mula pa sa Gallanosa National High School sa provincia ng Sorsogon.
Si RJ ay dati nang nanalo ng ginto sa Palarong Pambansa noong 2023 at 2024 sa kanyang elementary years.
Dahil sa kaniyang tagyumpay ay magpapatuloy ang winstreak ni Barcelona at pati na rin ng delegasyon ng rehiyon Bicol.