Malakas na palakpakan ang natanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa mga mambabatas at mga dumalo sa nagpapatuloy na State of the Nation Address nito matapos mabanggit ang paninindigan sa West Philippine Sea.

Ayon kay Marcos na ang WPS ay hindi kathang isip lamang na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

‘Ito ay Atin,” bahagi ng pahayag ni Pangulong Marcos.

Samantala, pinasalamatan naman nito ang Philippine Coast Guard at mga mangingisda na patuloy na ginagawa ang kanilang makakaya upang madepensahan ang teritoryo ng bansa.

Matatandaan kasi na ang West Philippine Sea ay kabilang sa mga teritoryo na pilit inaangkin ng China.