LEGAZPI CITY-Nakataas na ang Tropical Warning Signal No. 3 sa ilang lugar sa Bicol Region.

Ayon kay Weather Specialist Christian Allen Torrevillas sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mabilis ang paggalaw ng Typhoon Uwan kung saan nasa Typhoon Category na ito.

Huling namataan an Typhoon Uwan 500km sa East kan Catarman Northern Samar, may lakas ang hangin nito sa 150 km/h malapit sa sentro at pagbugso na nasa 185 km/h.

Ang paggalaw nito ang nasa 30 km/h papuntang West northwestward.

Nakataas na ang Signal No. 3 sa ilang lugar sa Bicol Region kasama ang Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Caramoan, Tigaon, Garchitorena, Sagñay, San Jose, Presentacion), eastern portion ng Albay (Tiwi, Santo Domingo, Malinao, Rapu-Rapu, City of Tabaco, Bacacay, Malilipot), at northeastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz).

Signal No. 2 naman sa nalalabing parte ng Camarines Sur, nalalabing parte ng Camarines Norte, nalalabing parte ng Albay, nalalabing parte ng Sorsogon (Burias at Ticao Island).

Nakataas din ang Signal No. 1 sa mainland Masbate.

Abiso ng opisyal na maging handa sa epekto ng paparating na bagyong Uwan.