LEGAZPI CITY – Pursigido ang City Health Office ng Legazpi na mapanatili ang pagiging Smoke Free Environment ng lungsod ngayong 2023.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jose Balbin, head ng Smoke Free Unit ng Legazpi, sinimulan na ng tanggapan ang paghahanap ng mga outstanding establishments katuwang ang iba’t-ibang stakeholders kaugnay ng ipinapatupad na City Health Ordinance.
Nagsimula ang Search for 100% Smoke-free compliant establishments ngayong Agosto at matatapos sa huwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.
Isinasagawa ang pag-inspeksyon sa mga establisyemento de negosyo, academe, unibersidad, paaralan, barangay hall, ospital at mga tanggapan kada linggo sa araw ng Martes at Huwebes.
Sa bawat linggo, nasa 20 establiyemento ang target ng inspection team na mabisita.
Ayon kay Balbin, sa dalawang linggo na pag-inspeksyon ay mayroong mga naka-100% sa Smoke Free Establishment at may mga nakitaan rin na lumabag.
Hindi pinalagpas ang mga ito at inisyuhan ng citation ticket bilang leksyon lalo pa’t sobra-sobra na aniya ang mga ibinibigay na warning ng mga awtoridad.
Target ng grupo na makapag-inspeksyon ng nasa 400 na mga estabisyemento sa lungsod hanggang sa buwan ng Oktubre.