LEGAZPI CITY – Dati nang umiiral ang polisiya sa hindi istriktong pagsusuot ng uniporme sa mga pampublikong eskwelahan.
Paalala ito ng Department of Education (DepEd) kasunod ng pahayag ni Education Secretary at VP Sara Duterte na hindi ire-require an uniform sa pagbubukas kan school year 2022-2023.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DepEd Bicol spokesperson Mayflor Jumamil, taong 2010 pa ito ipinatupad subalit nire-require pa rin sa ibang eskwelahan ang uniporme bilang resulta ng napagkasunduan ng mga magulang.
Malaking tulong umano ito sa pagtukoy kung saang eskwelahan nag-aaral ang bata habang presentable ding tingnan.
Subalit para naman sa iba, dagdag-gastos lamang ito para sa mga magulang.
Imbes na school uniform, mas dapat umanong mas bigyang-atensyon ang pagsusuot ng school ID.