LEGAZPI CITY- Nakahanda na ang lungsod ng Legazpi sa pinangangambahang 7.2 magnitude na lindol na tinatawag na “The Big One”.


Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Office of the Civil Defense Bicol Director Claudio Yucot, ito ang gagamitin na scenario sa isasagawang earthquake drill upang makita kung papano magreresponde ang mga ahensya ng pamahalaan sa mga paparating na kalamidad lalo na ang lindol.


Ayon kay Yucot, mayroon nang mga open space sa mga gusali at opisina ng pamahalaan para sa counting upang malaman kung may ire-resuce o na-trap sa mga empleyado sa loob nito.


Nanawagan naman ang opisyal na kinakailangang ang lahat ng barangay ay maging handa at mayroong nakalaang open space upang maberepika kung may sugatan lalo na kung may mga nag-collapse na gusali sa oras ng pagyanig.


Samantala, sasabay umano ang lungsod sa nationwide earthquake drill na gagawin sa Nobyembre 14.