LEGAZPI CITY – Pinaghahanap pa sa ngayon ng mga otoridad ang posibleng nag-iwan ng isang sanggol sa sa Anahaw Village, Brgy. 2 Em’s Barrio Legazpi City
Pinaniniwalaang bagong silang ito subalit wala nang buhay nang matuklasan sa daan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Legazpi, dakong alas-5:54 ng umaga nang matuklasan ang naturang sanggol.
Sa ulat mula sa Legazpi City PNP, lalaki umano ang naturang sanggol na nakitang nakakabit pa ang pusod sa inunan nang makuha.
Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Legazpi City PNP sa naturang insidente.