LEGAZPI CITY- Nagpaalala sa publiko si Doc Chris Gianan, Safety and Health advocate at ang presidente ng Bicol Occupation and Safety Health Network na tandaan ang mga dapat na alamin at gawin ngayong summer bago lumangoy sa dagat o swimming pool.

Ayon ka Gianan sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kailangang isailalim sa evaulation ang sarili at ang paligid upang masiguradong magigin ligtas sa buong outing o swimming.

Sa ebalwasyon ng sarili, dapat umanong tinganan kung nasa tamang mental state, hindi lasing o nakainom, at alamin sa sarili kung kayang lumangoy.

Sa pag-alam naman ng sitsyon sa kapaligiran, tingnan kung may nakabantay na lifeguard, kung anong klaseng tubig ang lalanguyan at kung ano ang estado ng water current.


Maliban pa rito, siguraduhin din umanong nakasuot ng lifevest o may gamit na salbabida o anuman na inflatable ang mga taong hindi marunong lumangoy.
Dagdag pa ni Gianan, sa mga magulang,huwag umanong iiwan ang mga menor de edad na mga anak at kabuuan ay ang pagdodoble ingat umano ang pinakamabisang paraan.