LEGAZPI CITY- Lumobo pa sa 85 rockfall events ang naitala sa bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag.
Matatandaan na una ng naitaas sa alert level 2 ang alerto ng bulkan nitong Enero 1 dahil sa pagtaas ng naturang parametro.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nakapagtala rin ng nasa 702 tonelada ng sulfur dioxide flux kahapon, Enero 5.
Sa kasalukuyan ay mahigpit na binabantayan ang iba pang mga parametro sa Mayon volcano dahil sa posibilidad na pagbabago pa sa alerto nito.
Samatala, una ng nagkaroon ng pagpupulong ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan kaugnay ng mga isasagawang hakbang kung sakaling lumala pa ang aktibidad ng bulkan.











