Patay ang isang firefigter o bumbero dahil sa matinding pagbaha sa southern Germany.

Nangyari ang insidente habang sinusubukan ng biktima na iligtas ang mga residenteng natrap sa baha.

Sakay ng isang rescue boat ang apat na bumbero ng biglang tumaob subalit nakaligtas ang tatlong kasamahan.

Narekober ang katawan ng biktima sa north ng Munich 50km ang distansya sa pinangyarihan ng insidente.

Pinangangambahang magtuloy-tuloy pa ang pag-uulan sa lugar kung saan daan pa na mga residente ang kinakailangan na ilikas.

Nangako naman si Economy Minister and Vice Chancellor Robert Habeck ng tulong sa mga apektadong lugar ng malawakang pagbaha.