LEGAZPI CITY- Ikinalungot at ikinadismaya ni ACT Teachers Partylist Representative Castro ang pagbasura ng piskalya sa isinampang reklamong ‘grave threat’ laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa mambabatas, sinabi nito na tila binalewala lamang ng korte ang pagbibigay ng hustisya sa mga katulad niya na pinagbabantaan ang buhay.
Kung nagawa umano ito ng dating pangulo sa isang mambabatas ay siguradong mas madali pang pagbantaan ang ordinaryong mamamayan.
Sa kasalukuyan ay nakikipag-usap pa umano si Castro sa kaniyang mga abogado para sa mga susunod na hakbang subalit nilinaw na wala pang natatanggap na kopya ng desisyon ng Quezon City Prosecutor’s Office.
Samantala, siniguro naman ni Castro na patuloy niyang ipaglalaban ang karapatan ng mga mamamayan na patuloy na nakakaranas ng pagbabanta sa buhay.