LEGAZPI CITY – Narekober ng mga awtoridad ang dalawang pugot na kalansay sa Barangay Molosbolos, Libon, Albay.
Ayon kay Atty. Felipe Jessie Jimenez ang Investigation Agent ng National Bureau of Investigation Legazpi, naglunsad ng search operation ang kanilang mga tauhan kasama ang Philippine National Police matapos na makatanggap ng impormasyon tungkol sa dalawang bangkay na itinapon sa lugar.
Base sa impormante, Marso 25 pa ng taong 2021 ng pinatay ng Concepcion criminal gang ang mga biktima na pinugotan at itinapon sa isang bangin sa nasabing lugar.
Positibo naman ang naging resulta ng operasyon kung saan nahukay ang kalansay ng mga biktima subalit hindi makita ang mga bungo nito.
Nakilala naman ang mga biktima na sina Ricky Satuito, residente ng Macabugos, Libon, Albay at Noel Castro na taga-Bato, Camarines Sur.
Sa ngayon inilibing na sa sementeryo ang mga narekober na kalansay habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kan mga awtoridad sa insidente.