LEGAZPI CITY—Nagsimula na ang paghahanda ng Legazpi Public Safety Office para sa nalalapit na Ibalong Festival 2025 na gaganapin ngayong buwan ng Agosto sa lungsod ng Legazpi.
Ayon kay Legazpi Public Safety Office Head Octavio Rivero, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakahanda na ang kanilang mga tauhan upang mag-monitor sa pagsisimula ng Ibalong Festival.
Nakatakda ring bantayan ng kanilang opisina ang Ibalong Festival Street Presentation, konsiyerto at iba pang kompetisyon na gaganapin sa nasabing okasyon.
Aniya’y aabot umano sa 50 tauhan ang magbibigay ng asistensya sa iba’t ibang mga aktibidad lalo na sa gagawing Ibalong Festival Street Presentation.
Tinatayang mahigit sa 50,000 hanggang 100,000 mga tao ang inaasahang dadalo sa Ibalong Festival.
Samantala, patuloy rin ang pagbibigay babala ng opisyal sa mga tricycle driver na huwag maningil ng sobrang pamasahe sa mga bisitang nais dumalo sa naturang okasyon.