LEGAZPI CITY – Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol na nakitaan na ng pagtaas sa presyo ang ilang isda at seafood sa merkado ngayong Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay BFAR Bicol spokesperson, batay sa monitoring ng ahensya ay tumaas na ang presyo ng sugpo na naglalaro sa P360 hanggang P750 ang kada kilo.
Habang ang lato naman na mula sa dating P100 ay nasa P160 na ang presyo ng kada kilo at ang alimango ay nasa P400 hanggang P900 na mula sa dating P350 hanggang P800.
Paliwanag ni Briones na dahilan ng paggalaw ng presyo ng naturang mga isda at seafoods ay dahil sa mataas na demand ngayong Holy Week.
Tanging ang walang paggalaw ay ang presyo ng bangus, tilapia, hipon, galunggong at Tuna.
Samantala, tiniyak naman ng opisyal na sapat ang suplay ng isda sa bansa sa kabila ng mataas na demand dahil maliban sa lokal na produksyon ay mayroon ding nagmumula sa Dagupan at Batangas.