
LEGAZPI CITY-Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ng Martes, Marso 24, 2026 ang state of national energy emergency.
Iniutos rin ng Pangulo ang pagpapatibay ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) para sa mga apektadong sektor sa bansa.
Ito ay matapos pirmahan ng Pangulo ang Executive Order No. 110 kung saan ganap nang idinedeklara ang state of national energy emergency at ang pag-activate ng whole-of-government response para masiguro ang sapat na suplay ng enerhiya.
Layunin nitong magbigay ng suporta sa mga sektor kabilang ang transportasyon, agrikultura, at mga MSME, at protektahan ang mga Pilipino sa gitna ng mga pagkaantala sa pandaigdigang suplay ng langis.





