Naging sentro ng weekly prayers ni Pope Francis ang mga biktima ng mpox virus.
Kasabay nito ay nanawagan ang Santo Papa sa mga nasa pamahalaan at mga pharmaceutical industry na kumilos upang makakuha ng bakuna para sa mga bansa na tinamaan ng naturang sakit.
Matatandaan na una nang nanawagan ng mas mataas na produksyon ng bakuna matapos ideklara ng World Health Organization bilang health emergency ang mpox sa Africa.
Maliban sa ilang mga bansa sa Africa ay nakapasok na rin sa ilang mga bansa ang mpox tulad na lamang sa Sweden.
Isa sa mga binabantayan ngayon ay ang Clade 1b variant na itinuturong nagdudulot ng mataas na kaso ng sakit.