LEGAZPI CITY – Inihayag ng isang political analyst na normal lang ang nangyayaring pagpalit ng liderato sa Senado.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Tony La Viña, political analyst at Professor sa University of the Philippines College of Law, sa 40 taon ng 1987 Constituton na walang tumatagal na mga Senate President.
Sinabi nito na normal na napapalitan dahil sa mga personal na isyu, intrigat at pagkawala ng suporta ng Pangulo.
Samantala, kumpiyansa naman si La Viña na magagampanan ng maayos ng bagong Senate President na si Senador Chiz Escudero ang pumalit kay Senador Migz Zubiri dahil na rin sa mga karanasan bilang senador at gobernador.
Umaasa rin ito na hindi na mapapalitan si Escudero hanggang sa taong 2028 upang magkaroon ng stability ang Senado.