LEGAZPI CITY – Kumilos na rin ang Police Regional Office 5 sa Bicol upang umagapay sa mga ahensyang nakatutok sa pagkontrol ng coronavirus disease (COVID-19).
In-activate na ng pulisya ang Critical Incident Monitoring Team (CIMAT) na pinamumunuan ni PCol. Maria Nenita De Leon ng Regional Health Services 5.
Bilang frontline office sa health concerns, inilunsad ng tanggapan ang kampanya kontra sa COVID-19 sa pamamagitan ng paglalahad ng mga updates sa sakit.
Namahagi na rin ito ng vitamin supplements sa mga tauhan ng PRO5 na nilalayong mapalakas ang immune system.
Hinikayat rin ng kapulisan ang kampanya sa malawakang information dissemination sa pamamagitan ng iba’t ibang media platforms.
Aniya, malaking tulong ang kabatiran ng mga mamamayan sa pag-iwas at iba pang impormasyon sa COVID-19 upang ganap na makaiwas dito.
Tuloy-tuloy rin ang pakikipag-ugnayan nito sa Department of Health (DOH) at iba pang mga ahensya para sa isasagawang hakbang.