The Australian Government will provide $110B worth of drones, which will be a big help for the Philippine Coast Guard.

LEGAZPI CITY – Malaking tulong para sa Philippine Coast Guard ang ibibigay ng Australian Government na $110B na halaga ng mga drones.


Ayon kay Bombo International News Correspondent in Australia Denmark Suede sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ito ang ikalawang batch ng mga drones na ipinadala ng Australia sa Pilipinas at asahan pa na magkakaroon pa ito ng mga susunod na mga batch.


Made in US at Australia umano ang mga drones na ibibigay at hindi gawa galing sa China para rin sa dagdag seguridad sa hanay ng PCG.


Sinabi pa nito na makakatulong ang mga drones para bantayan ang Exclusive Economic Zone ng Pilipinas kahit paulit-ulit itong pinapasok ng mga chinese vessel.


Dapat din aniyang isaalang-alang ng gobyerno na lahat ng hightech equipment na binili mula sa China ay may security bot na mababasa at maa-access ng Beijing.


Ipinunto din niya na kung gagamitin ng maayos ang pondo ng Pilipinas, hindi na kailangang humingi ng mga ganitong bagay sa mga karatig bansa.


Naniniwala din si Suede na kayang i-adapt ng PCG ang paggamit ng mga high tech na drone at may kasama itong tutorial mula sa mga awtoridad ng Australia upang sanayin ang mga tauhan ng coast guard na gamitin ang mga ito.