LEGAZPI CITY- Na-detect ng mga kinauukulan ang pinaka unang kaso ng Q fever sa ilang mga kambing na inangkat mula sa Estados Unidos.
Ang Q fever ay sakit na mula sa bacteria na Coxiella burnetii na karaniwang tumatama sa mga kambing, baka at iba pang hayop.
Ayon sa kumpirmasyon ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry, 19 mula sa 94 na mga kambing mula sa farm sa Marinduque at quarantine facility sa Pampanga ang nag-positibo sa naturang virus.
Nakakahawa rin ito sa mga tao kung magkakaroon ng contact sa hayop na infected ng naturang sakit o sa pamamagitan ng dumi ng mga ito.
Kabilang sa mga sintomas nito sa infected na tao ang biglaang pananakit ng ulo, lagnat, panginginig, at pananakit ng kalamban habang ang ibang kaso naman ay hindi nakakaranas ng anumang sintomas.
Samantala, sa kabila ng pangamba ng publiko ay siniguro ng tanggapan na hindi mako-kumprumiso ang kalusugan ng mamamayan.