LEGAZPI CITY—Nadagdagan ang pila ng mga sasakyang babiyahe mula Matnog port na patungong lalawigan ng Samar at mga karatig na lugar matapos maglabas ng ilang advisories na may mga ipinagbabawal at ibinabang kagamitan sa mga sakay na behikulo sa kasagsagan ng pagbiyahe ng mga barko.
Ayon kay Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction Management Office Head Engr. Raden Dimaano, sa panayam sa Bombo Radyo Radyo Legazpi, na dahil dito ay may iilang barko ang nagpalit ng kanilang ruta sa pagbiyahe.
Aniya na ito ang isa sa mga hamon na kanilang kinakaharap sa kasalukuyan, ngunit giit nito na kanila rin na naisaayos ang sitwasyon.
Sinabi rin ni Dimaano na sa ngayon ay maluwag ang paradahan ng sasakyan sa Matnog port at hindi gaano maraming behikulo ang sasakay sa mga barko.
Samantala, binigyang-diin niya na nakalatag at nakahanda na ang mga tauhan na katuwang ng kanilang opisina sa pag-monitor ng sitwasyon sa paggunita ng Undas sa nasabing lalawigan.











