LEGAZPI CITY- Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang pangamba ng publiko kasunod ng pagpapalabas ng lahar flow advisory sa kasabay ng kasagsagan ng malakas na mga pag-ulan sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Mayon Observatory Deborah Fernandez sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na tanging steam flow lamang ang kanilang na-detect.

Paliwanag ng opisyal na hindi pa maituturing na lahar flow dahil tubig na may kahalong putik lamang ang nakita.

Ang lahar flow kasi ay nangyayari kung dumadausdos ang tubig na may kasabay na Pyroclastic density currents na mula sa nakalipas na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Sa kabila nito ay muling nagpaalala si Fernandez sa mga lokal na pamahalaan na manatiling naka alerto dahil sa posibleng maging epekto pa ng shear line na patuloy na nakaka apekto sa ilang bahagi ng rehiyong Bicol, kabilang na nag lalawigan ng Albay.