LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nanatili pa ang panganib sa Bulkang Mayon kaya hindi pa maaaring ibaba ang nakataas na Alert Level 2 status o moderate level of unrest.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Phivolcs Director Usec. Renato Solidum, patuloy na naoobserbahan ang pamamaga sa bulkan base sa tala ng tiltmeter at Global Positioning System (GPS).
Binabantayan rin kung konektado ang naturang pababaga sa paunti-uting pagtaas ng materyales ng bulkan matapos ang huli nitong pag-aalburuto.
Dagdag pa ni Solidum na nakita rin sa mga latest na larawan ang tila pagbabago sa bunganga o vent ng bulkan. Paliwanag pa ng opisyal na hindi lamang ang buga ng asupre at pagyanig na naitatala sa bulkan ang parametong binabantayan kundi maging ang itsura ng crater at pressure sa ilalim.
Patuloy naman aniya ang pagpapa-alala at rekomendasyon na huwang aakyat sa Mayon volcano.