LEGAZPI CITY – Nakabantay ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa paligid ng Bulkang Mayon para sa posibilidad na pagkakaroon ng lahar flow kaugnay ng ilang araw ng mga pag-ulan sa Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Deborah Fernandez, ang officer-in-charge ng PHIVOLCS Mayon volcano observatory, hindi nito inaalis ang posibilidad na bumagsak ang mga volcanic materials dahil sa mga pag-ulan lalo pa at marami na ang naiipon na deposits sa taas ng bulkan.
Dahil dito, regular na nagsasagawa ng monitoring ang ahensya sa mga river channels na direktang konektado sa gullies ng bulkan upang tingnan kung mayroon ng lahar flow.
Sa ngayon ay wala pa naman umanong nairereport na lahar flow subalit pinag-iingat pa rin ng opisyal ang publiko lalo na ang mga nakatira malapit sa mga ilog sa baba ng bulkan.
Payo naman nito sa mga residente mula sa 6km permanent danger zone na manatili pa rin sa mga evacuation centers lalo pa’t hindi pa rin inaalis ang posibilidad na magkaroon ng at hindi pa humuhupa ang aktibidad ng bulkan.