mt mayon
mt mayon

LEGAZPI CITY-Kasalukuyang binabantayan ng Philippine Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang mga serye ng rockfall events sa Mayon Volcano dahil sa posibleng eruption nito.


Ayon kay PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Mariton Bornas, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na maraming naitala ngayon na mga rockfall events sa Bulkang Mayon kung saan nagkaroon rin ng tsansa na tumaas ang alert level nito sa mga nakaraang araw.


Ito kahit na mababa ang mga background parameters ng Bulkan, namataan ang isang “spine” o matulis na gawad sa bunganga nito na posibleng indikasyon ng pagtulak ng lava bone na maaaring magresulta sa pagsabog nito.


Nag umpisa umano ito noong nakaraang linggo dulot na rin ng masamang panahon sa rehiyon kung saan namataan ito sa bunganga ng Bulkang Mayon na kapareho nang nangyari noong taong 2023.


Paliwanag pa ng opisyal na ang spine na ito ang hindi makakaapekto sa erruptive behavior ng Bulkan subalit may epekto ang klima sa rehiyon sa kasagsagan ng amihan na kung saan magdadala ito ng madalas na pag-uulan.


Ang madalas na pag-uulan sa rehiyon ang may panganib sa posibleng mga lahar flow o landslide sa gilid o parte ng Bulkan.


Paalala ng opisyal sa publiko na iwasan ang pagpasok sa 6 km permanent danger zone habang nananatili sa alert level 1 ito.


Patuloy rin aniya ang pagbabantay nila sa pagdami ng rockfall events sa Mayon Volcano dahil sa matigas na gawad sa bunganga nito na posibleng magdulot ng mahihinang pagsabog.


Pinapaalalahanan rin ang lahat ngayong amihan season, lalo na sa mga nakatira sa mga lahar prone areas na makinig sa anunsyo ng lokal na gobyerno para maging ligtas sa anumang peligro.


Samantala base sa obserbasyon ng census ukol sa lahar flow sa rehiyon sa kasagsagan ng Tropical Depression Wilma, nagkaroon umano ng mud steam flow sa mga lugar ng Masarawag sa Guinobatan at mga pagbaha sa downstream Legazpi City, ngunit sa pahayag ng kanilang team para sa Mayon Volcano, wala umanong namataang debris na galing sa lahar sa mga pagbabaha mula sa mga lugar na ito.