LEGAZPI CITY- Inalis ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang pangamba ng mga residenteng nakatira sa palibot ng bulkang Mayon patungkol sa posibleng lahar flow.

Ayon kay APSEMO head Dr. Cedric Daep, mababa lamang ang rainfall amount o naitatalang datos sa pag-ulan kung kaya mababa lamang ang posibilidad na ang mga volcanic materials nito.

Aniya, 3 milliliter at hindi umaabot sa average na 60 milliliter kada araw ang naitatala, dahilan upang hindi magmobilize at walang mangyaring lahar.

Kung mayroon aniyang importanteng nangyayari dala ng pag-uulan, ito ay nadadagdagan nito water levels sa mga river channels at nagkakaroon ng tubig ang mga tanim ng mga residente.

Ngunit sa kabila nito, mag-usap pa rin ng APSEMO at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (LDRRMOs) patungkol sa lahar sakaling magkaroon ng pagbabago sa direksyon ng mga sama ng panahon upang mapanatli ang “zero casualty target” ng gobyerno.