LEGAZPI CITY-Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa posibleng lahar flow mula sa Bulkang Mayon dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng mga bagyo at Habagat.
Ayon kay Mayon Observatory Resident Volcanologist Deborah Fernandez, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, naglabas ng lahar advisory ang kanilang ahensya dahil sa posibleng lahar flow bunsod ng malakas na pag-ulan at 3 weather disturbance sa bansa.
Dagdag pa ng opisyal, mayroon pa ring deposito sa Bulkang Mayon mula noong 2018 erruption at 2023 na deposito na posibleng ma-wash out at maging lahar.
Inirekomenda ng PHILVOCS ang nasabing advisory dahil sa posibleng pagdaloy nito dahil sa pagulan sa rehiyon.
Aniya, patuloy ang kanilang inspeksyon sa bulkan habang nananatili pa rin itong nasa alert level 1.
Sa kasalukuyan, mayroon ding 5 rockfall event at low volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras kahapon.
Mula noong Hulyo 9, nasa 411 tonelada ng sulfur dioxide ang naitala habang ang Bulkang Mayon ay patuloy pa rin na inflated.
Posible man madagdag sa rockfall events ang mga loose volcanic materials na galing sa Bulkang Mayon
Paunawa sa publiko lalo na sa mga kalapit na lugar na huwag pumasok sa 6 kilometer radius danger zone at mag-ingat sa mga posibleng rockfalls at lahar lalo na ngayong tag-ulan.