
Nag-walk out si Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte sa plenary session ng House of Representatives kasama ang tatlo pang mambabatas mula sa Davao matapos ang pagbubukas ng 20th Congress.
Kasama ni Duterte sina Davao City 2nd District Rep. Omar Duterte, PPP Party-list Rep. Harold Duterte, at Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab.
Apat na mambabatas ang nag walk-out sa gitna ng boto ng House Speaker.
Paliwanag ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, wala sila sa mayorya o minorya kaya kinukunsidera nila ang kanilang sarili bilang independent.