LEGAZPI CITY-Inanunsiyo ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo na magiging epektibo simula bukas, Martes, Marso 24, 2026.

Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin, na ipapatupad ang umentong P6.47 kada litro sa presyo ng gasolina.

Habang nasa P11.88 kada litro naman ang diesel at P13.66 kada litro ang dagdag presyo sa kerosone.

Ipinaliwanang ni Garin na bahagyang kumalma ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado na mas kakaunti umano ang taas-presyo kumpara noong nakalipas na mga araw.

Nananawagan rin ang ahensya sa mga kumpanya ng langis na magpatupad ng staggered o dahan-dahang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Magtatagal rin ang fuel stockpile hanggang sa unang linggo ng Mayo ayon sa ahensya kasabay ng pagdating ng mga deliveries.