LEGAZPI CITY- Sugatan ang driver ng isang pampasaherong bus matapos sumalpok sa isang bahay sa Barangay Dunao, Ligao City sa Albay.

Agad naman na nilapatan ng lunas ang injuries ng naturang driver.

Sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi mula sa may-ari ng bahay, wala naman umanong tao sa kanilang tahanan ng mangyari ang aksidente.

Kwento nito na ito na ang ikalawang pagkakataon na may sumalpok na sasakyan sa kanilang bahay na unang nangyari noong 2019.

Nabatid na galing sa Catanduanes ang naturang bus at patungo sana sa Maynila.