MAYON VOLCANO

LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng dalawang volcanic earthquakes at 209 rockfall events sa bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nagpapatuloy pa rin ang pagbuga ng lava dome at naitatalang lava flow sa bulkan.

Nasukat rin ang nasa 46 pyroclastic density currents o uson sa nakalipas na magdamag.

Samantala, naitala naman kahapon, Enero 13 ang nasa 1, 387 tonelada ng sulfur dioxide flux.

Sa kasalukuyan ay nasa alert level 3 pa rin ang bulkang Mayon kaya patuloy na pinapa alerto ang publiko.