LEGAZPI CITY- Umabot na sa 2km ang haba ng umagos na pyroclastics mula sa Bulkang Mayon sa bahagi ng Mi-si gully.

Sa Bonga gully naman ay umabot na sa 1.5km ang umagos na pyroclastic habang 1.5km din sa Basud gully.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nagkaroon rin ng dalawang volcanic earthquakes at 72 rockfall events sa nakalipas na magdamag.

Maliban dito ay naitala rin ang nasa 100 na mga pyroclastic density currents.

Sa kasalukuyan ay nasa alert level 3 pa rin ang bulkang Mayon.