LEGAZPI CITY – Ikinalaarma na ng lokal na pamahalaan ng Pio Duran sa Albay ang nararanasang dry spell sa bayan dulot ng epekto ng El Niño phenomenon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Aaron Israel Losabia, agriculturist ng Pio Duran Local Government Unit, tuyo na ang tubig sa Panganiran dam kung kaya wala ng dumadaloy sa mga irrigation canal na patungo sa mga sakahan.
Mayroon namang inialok na water pump bilang mitigation measure upang mabawasan ang epekto ng dry spell subalit hindi kakayanin dahil magastos.
Batay sa datos na ipinalabas ng Municipal Agriculture Office, sa 1,300.11 na ektarya ng apektadong agricultural land nasa 1, 232.14 na ektarya ang nakararanas na ng matinding pinsala.
Oras na hindi mabawasan ang epekto nito, posibleng umabot sa P83.7 million ang halaga ng danyos na banta sa kabuhayan ng nasa 1,656 na magsasaka na nangangailangan na ngayon ng agarang intervention.
Sa susunod na linggo ay nakatakdang magpatawag ng meeting ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council upang marinig ang panig ng Municipal Agricultural and Fishery Council at ng mga magsasaka kung bakit kinakailangan na magdeklar ng state of calamity.
Paliwanag ni Losabia, na mahalagang makapagdeklara ng state of state of calamity upang magamit ang calamity fund ng lokal na pamahalan at matulungan ang mga apektadong magsasaka.
Sinabi nito hangga’t hindi nag-aanunsyo ang state weather bureau ng opisyal na pagsisimula ng El Niño ay hindi basta-basta makakapagpatupad ng state of calamity ang isang lugar.
Bahagi ng pahayag ni Aaron Israel Losabia, Pio Duran Local Government Unit Agriculturist