LEGAZPI CITY- Ilulunsad ngayong araw ang Kadiwa ng Pangulo sa Tuburan, Ligao City kung saan makakabili ang publiko ng basa P29 kada kilo na bigas.
Ayon kay National Irrigation Administration Albay Operation Section Head Bernadeth Balingasan sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kabilang sa mga maaaring makabili ng naturang P29 kada kilo na bigas ay ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Persons with disabilities, indigent senior citizens at solo parents.
Maari rin umanong mag-entertain ng walk-in subalit magigin first come first serve lamang.
Ayon sa opisyal na nasa 500 na sako ng bigas ang kanilang inihanda upang mas marami ang mabenipisyuhan ng naturang programa.
Sinabi ng opisyal na ang ibebentang bigas sa murang kalaga ay pawang bagong ani mula sa produkto ng mga magsasaka na naging benepisyaryo ng contract farming kan National Irrigation Administration.