An Overseas Filipino Worker was killed on the spot on the diversion road of Sitio Nagtupacan, Barangay Pudoc, San Vicente, Ilocos Sur.

Dead on the spot ang isang Overseas Filipino Worker sa diversion road ng Sitio Nagtupacan, Barangay Pudoc, San Vicente, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Nerio Clifford Richonda Reynante, isang OFW na naka-base sa Italy.

Pauwi na ang biktima mula sa kanyang sakahan para pakainin ang kanyang mga manok nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sakay ng Aerox Black na motorsiklo.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktima.

Iniimbestigahan na ng San Vicente Police Station ang motibo sa likod ng pamamaril.