Inihayag ng Philippine Statistics Authority na lumabas sa pagtataya na sapat na ang P13,873 kada buwan para sa isang pamilya para sa kanilang pangunahing mga pangangailangan.
Ang naturang halaga ay sapat na umano para sa pamilya na mayroong limang miyembro.
Sinabi pa ng PSA na hindi maituturing na mahirap ang pamilyang gumagastos ng P13,873 kada buwan para sa pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan.
Matatandaan na una na ring inihayag ng ahensya na bumaba ang ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na naghihirap.