Nananawagan ang National Police Commission (NAPOLCOM) kay Julie “Dondon” Patidongan o kilala bilang si alyas “Totoy” na maghain ng complaint affidavit sa kanilang ahensya hinggil sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Una rito, sinabi ng NAPOLCOM na mayroon na silang listahan ng pulisya kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.
Ayon sa ahensya, ipapatawag sila para tumulong sa administrative probe.
Dagdag pa niya, bagama’t nagpapatuloy ang imbestigasyon, doble-ingat din ang ahensya sa paghawak ng impormasyon.
Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na 15 pulis ang inilagay sa “restricted duty” na maaaring sangkot sa pagpatay sa sabungero.