LEGAZPI CITY- Nagtamo ng injuries ang isang motorista matapos mabangga ng isang truck sa Barangay Banquerohan, Legazpi City.

Maliban sa naturang truck at motorista ay may isang asul na sasakyan pa ang nasangkot sa karambola.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Legazpi sa isa sa mga saksi sa aksidente, sinabi nito na agad naman na nilapatan ng lunas ng ilang concerned citizens ang pagdurugo ng binti ng hindi pa nakikilalang motorista.

Maliban dito ay nagtamo rin ng gasgas ang backride nito.

Hanang sinusulat ang balitang ito ay hindi ba malinaw ang pinag-ugatan ng aksidente at kung sino ang may kasalanan sa naturang karambola.

Inaalam na rin ang kasalukuyang lagay ng nasugatang biktima.