LEGAZPI CITY-Paliwanag ng isang political analyst, na wala ng bisa at hindi na dapat ihain ang mosyon para ibasura ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa mismong desisyon ng Korte Suprema.


Ayon kay Political Analyst Atty. Michael Henry Yusingco, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, sinabi nitong common sense na hindi na dapat ito dapat isampa pa dahil wala na man na itong saysay batay sa desisyon ng Korte Suprema, sa konstitusyon at sa batas.


Ibig sabihin, kung maihain ang motion for dismissal, itinatanggi nila ang desisyon ng Korte Suprema at ang batas mismo.


Dagdag pa ng opisyal, wala nang bisa ang konsiderasyon sa impeachment kay VP Sara dahil sa pag-trigger ng 1 year rule ban kung saan hindi inaksyunan ng House of Representatives ang mga reklamo laban sa bise.


Nilinaw ni Yusingco na anumang impeachment complaint ay maaaring ihain laban sa isang politiko hanggang sa ma-trigger ang 1 year rule ban na nakasaad sa konstitusyon na nagbabawal sa pagsasampa ng impeachment sa loob ng isang taon.


Dagdag pa ni Yusingco, malalabag ang 1 year rule ban kung ang reklamo ay hindi inendorso ng kapulungan ng mga kinatawan at kung hindi ito aaksyunan sa loob ng itinakdang panahon.