LEGAZPI CITY – Mas maluwag na ang pagsasagawa ng Ash Wednesday sa Marso 2, ayon sa Simbahang Katolika.

Ayon kay Diocese of Legazpi spokesperson Fr. Rex Arjona, inaasahan na mas maraming sisimba sa naturang araw.

Subalit gaya ng mga Mierkoles de Ceniza, ibubudbod ang abo o sprinkling pa rin ang isasagawa.

Ito’y sa kabila ng rekomendasyon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na pwede na ang pagpahid ng abo sa noo.

Mananatili umano ang 1-meter social distancing at 50% capacity lamang ang papayagan sa kasalukuyang Alert Level 2 status sa Albay mula Marso 1 hanggang 15.

Ipinaalala rin ng Simbahang Katolika na huwag kaligtaan ang pag-aayuno, abstinensya at panalangin para sa bansang Ukraine na sinasalakay ngayon ng Russian troops.