LEGAZPI CITY – Nagdiriwang pa rin ng Undas ang mga Pilipino sa Israel sa kabila ng nangyayaring giyera sa pagitan ng mga sundalo laban sa militanteng Hamas.
Ayon kay Marc Pleños ang Bombo International News Correspondent sa Israel, simple lamang ang pagdiriwang ng Undas sa bansa kung saan pumupunta ang mga Pilipino sa mga Simbahang Katoliko upang magdasal para sa mga namayapa ng mahal sa buhay.
Sama-sama rin ang mga Filipino community na nagsisindi ng kandila bilang tanda ng pag-alala sa mga sumakabilang buhay na.
Ayon kay Pleños, halos wala namang Pilipino ang pumupunta sa sementeryo sa Israel subalit kinukumusta na lamang ang kanilang kaanak sa Pilipinas na bumibisita sa libingan ng mga namaalan ng kapamilya.
Kahit pa nasa ibang bansa at mayroong nangyayaring giyera, hindi pa rin umano nakakalimutan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng tradisyon ng pag-alala sa mga namayapa ng mahal sa buhay tuwing Undas.