LEGAZPI CITY- Pinawi ng mga kinauukulan ang pangamba ng publiko sa posibleng epekto ng Bagyong Aghon sa aktibidad ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office head Dr. Cedric Daep sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang light to moderate rains na dala ng naturang sama ng panahon ay hindi pa mapanganib sa pagdausdos ng lahar.
Sa kasalukuyan ay naka-monitor naman umano ang rain gauges sa state weather bureau at sa bulkang Mayon upang matutukan ang kasalukuyang sitwasyon.
Sa kabila nito ay sinabi ng opisyal na isa sa mga ikinababahala ng kanilang tanggapan ay paghigop ng bagyong Aghon sa Amihan na posible umamong magdulot ng malalakas na mga pag-ulan sa Bicol region.
Dahil dito ay naka alerto ang opisyal sa posibilidad ng mga pagguho ng lupa sa ilang mga lugar sa lalawigan ng Albay.
Paliwanag ni Daep na ang mga pag-ulan sa nakalipas na mga araw ay tila pang-recharge pa lamang umano saturation losses na naitala noong panahon ng tag-init.
Aniya, hindi pa saturated ang lupa sa lalawigan subalit pinayuhan nito ang publiko na pairalin pa rin ang pag-iingat.