LEGAZPI CITY-Nalubog sa baha at inanod ang mga Nitso sa isang sementeryo sa Inalmasinan Caramoran Catanduanes dahil sa matinding epekto ng Bagyong Ada.


Matatandaan na nairehistro ang walang patid na paguulan sa probinsya dahil sa bagyo na nagdulot ng matinding volume ng tubig sa mga lugar.


Ayon kay Catanduanes Governor Patrick Azanza, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagpadala na sila ng mga heavy equipment at operators sa lugar.


Base sa kanilang inisyal assessment na nakadirekta ang agos ng tubig tuwing umuulan sa nasabing kamposanto.


Dahilan para rumagasa ang tubig-baha na unang nakakaapekto sa sementeryo at tinatangay patungo sa mga barangay.


Sa ngayon plano nilang i-divert ang tubig para hindi na dumiretso pa sa sementeryo at mga barangay ang pagbabaha.


Samantala nagsasagawa na rin sila ng restoration sa mga spillways at kalsada na nasira sa probinsya dahil sa bagyo.


Nagkaroon rin ng clogging sa mga kanal na nagresulta sa pagkakaroon ng fountain ng tubig sa isang lugar.


Aktibo rin aniya sa ngayon ang kanilang mga opisyal lalao na sa pagmomonitor ng mga evavuees.