LEGAZPI CITY- Umaaray na rin ang ilang mga negosyante sa France dahil sa pagkunti ng kanilang mga customers kaugnay ng nararanasang heat wave.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Diana Biscari ang Bombo International News Correspondent sa France, kung dati ay madalas na punuan ang mga restarurant, pasyalan at ba pang negosyo sa bansa, ngayon ay halos bilang na lamang ito.

Mas pinipili na kasi umano ng mga residente na manatili na lamang sa kanilang fully air conditioned na tahanan kesa sa lumabas at mabilad sa init ng araw.

Tinatayang nasa 40 degree celcius na ang init ng temperatura sa bansa habang posible pa umanong lumampas ito sa mga susunod na linggo.

Mahigpit naman ang payo ng gobyerno na iwasang lumabas ng tahanan upang makaiwas sa heat stroke at atake sa puso na karaniwan ng naitatala tuwing may ganitong heat wave.