LEGAZPI CITY – Matapos na maantala, tuloy na ang pag-restore ng St. John the Baptist church sa lungsod ng Tabaco.

Matatandaang nagtamo ng matinding pinsala ang istruktura sa pananalasa ng Bagyong Rolly sa lalawigan sa nagdaang taon.

Ang naturang simbahan ay itinuturing din na National Cultural Treasure.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Krisel Lagman-Luistro, hindi pa makakahabol sa Pasko ang pagkompleto sa pagsasaayos nito na posibleng abutin pa ng first quarter ng 2022 bago magamit.

Kumpiyansa man ang alkalde na mas matibay na ang mga istruktura sa anumang kalamidad kagaya na lamang ng pabahay para sa 2, 361 na apektado ng bagyo na mula rin sa danger zones.

Typhoon-proof na umano ang mga ito at maganda ang pagkakagawa kaysa sa mga napinsala sa nagdaang bagyo.