LEGAZPI CITY – Nakapagtala ang Bureau of Fire Protection ng pagtaas ng insidente ng sunog sa Bicol ngayong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bureau of Fire Protection Bicol spokesperson SInsp. Edgar Tañajura, base sa datos mas mataas ang naitala na fire incident sa kasalukuyang taon kumpara noong nakaraang taon.
Noong taong 2022 ay nasa 614 na insidente ng sunog ang naitala habang ngayong 2023 ay nasa higit 700, hindi pa man natatapos ang taon.
Ayon kay Tañajura, indikasyon lamang ito na tumaas ng 13% ang fire incidents ngayong taon sa rehiyon.
Lumalabas na karaniwan ay residential houses ang sangkot at electrical connections ang kadalasang nakikitang dahilan.
Samantala, nilinaw ng opisyal na wala pa namang naitatala o naiuulat na Christmas o New Year’s related na mga fire incidents sa rehiyon.